“PAPARATING NA SA Legarda station”—Ang bawat Bedista, komyuter man o hindi, ay tiyak na nagkaroon na ng pagkakataong bumisita sa kanilang mga ate at kuya na nasa gilid ng istasyon ng LRT sa Legarda. Ito ang kanilang binabaybay papasok ng San Beda University (SBU). 

Kaya naman sa palagay namin ay mainam na malaman natin ang mga personal na istorya ng ilan sa mga taong nakakasalamuha natin halos araw-araw at ang kanilang mga kuwento tungkol sa mga Bedistang kanilang nakadadaupang-palad nila sa araw-araw 

Mga kwento ng tiyaga at pagsisikap 

Litratong kuha ni Paolo Vital

Bago pa man magsimulang magtayo ng kani-kanilang sariling sari-sari store, dati nang nagsilbi si Ate Maribel Moris bilang tindera noon sa waiting shed malapit sa Mendiola Peace Arch

Ngayon at may-ari na siya ng kanyang sariling tindahan sa Legarda, ibinabahagi niya ang dahilan sa kaniyang paglipat. “Madalas kaming nahuhuli so ngayon kumuha kami ng pwesto na safe kami,” wika ni Ate Maribel. 

Idinagdag niya na kumikita pa rin siya nang paunti-unti at ligtas ang kanyang napiling puwesto sa mga nagki-clearing.  

Tulad naman ni Ate Maribel, si Kuya Rafael Cardenaz, may-ari ng Legarda Print Shop, ay napagdesisyunan din na magtayo ng kanyang sariling negosyo dahil sa “[foot] traffic at [maraming] tao” na bumabaybay sa harapan ng kanilang pwesto. 

Gayunpaman, bukod sa dami ng tao, ibinahagi rin ni Kuya Rafael na isinasaalang-alang nila ang mga pangangailangan ng mga estudyante na sinusubukin nilang punan sa kanilang munting tindahan ng paglilimbag. 

Litratong kuha ni Paolo Vital

Sa kabilang dako, itinuturing naman nila ito bilang oportunidad dahil sa dami ng mga estudyanteng dumadaan sa kanila. “Pag malapit ka ng school, of course mayroon ka na agad kliyente, mayroon ka na agad na customer,” sabi ni Ate Yheza Proqueza, isa sa may-ari ng Rice & Wrappers.  

Binigyang-diin ni Ate Yheza na walang mararating ang negosyo, gaano man ito kalapit sa paaralan, kung hindi ito mapangangalagaan ng maayos. Gayunpaman, hindi rin naman maikakaila na ang pagiging malapit nila sa paaralan ay malaking pakinabang. 

Kung umaasa ang negosyo sa dami ng mga mamimili na dumadaan, likas talaga ang pag-aalala tungkol sa kita at daloy ng produkto tuwing bakasyon. Ngunit, sa kabila ng mga alalahaning ito, ang daloy ng mga mamimili nila ay nananatiling malakas. Ito ay dahil dire-diretso ang pasok ng mga taga Centro Escolar University (CEU), na katapat ng ating pamantasan. 

Ating mga Kaibigan sa Tindahan, Kaagapay natin sa Eskuwela 

Litratong kuha ni Paolo Vital

Ang sipag at pagpupunyagi nila ay makikita sa paghangad ng kanilang kalakalan. Sa pagsikat ng araw, alas-sais pa lang ng umaga, nagsisimula nang magbukas ang kanilang mga puwesto. 

“Kung marami akong ipre-prepare, kailangan akong maaga dito, siomai, chicken tenders, ‘pag wala akong ganu’n na kailangan kong gawin, maaga talaga” dagdag ni Yheza. At totoo nga, magagamit talaga nila lahat ng oras upang makapag handa sa paparating na araw, lalo na sa dami ng mamimili na dumadaan sa kanilang tindahan. 

Kadalasang mga estudyante ng SBU at CEU ang kanilang mga tagapagtangkilik, “Marunong man sila makaiano sa mga tindahan, kasi ang gusto nila ‘yung medyo makakamura sila kaya d’un sila bumibili, ‘yun ang karamihan sa mga estudyante rito ng San Beda, CEU,” kwento ni Maribel. 

Litratong kuha ni Paolo Vital

Sa kanilang tagal sa pagbibigay-serbisyo sa mga estudyante ng San Beda, mas lalong nakikila nila ang mga Bedista bilang “mababait at magalang,” ani ni Yheza  

Ayon naman kay Rafael, ang mga Bedista ay “magalang at kalmado,” isang pagpapakita na sa kahit anumang hirap ang nararanasan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral nakakagaanan pa rin nila ang mga ito ng loob. 

Samantalang para kay Maribel, sila’y “madalas magkuwento” tungkol sa buhay-buhay nila, “tungkol sa family, sa friends, about school din.” 

Sa paglipas ng panahon, ang mga negosyo sa bangketa ng Legarda ay saksi sa kultura at katangian ng mga Bedista sa dami ng kanilang tagapagtangkilik. Sa likod ng bawat bilihan na nakapuwesto dito ay punung-puno ng mga kuwento ng pagmamahal, pagsasama at serbisyo sa mga kapwa estudyante at mga negosyante.  

(kasama si Paolo Vital

RELATED


Discover more from The Bedan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading