NAKATAKDANG ILUNSAD NG San Beda University ang isang makabagong website sa Setyembre bilang panimulang hakbang sa 10-year plan tungo sa isang ganap na digitalisasyon. 

Layunin nitong “mapabilis at mapadali ang mga proseso ng mga estudyante,” lalo na sa aspekto ng akademiko at administratibo. Sa pamamagitan ng bagong disenyong ito, magiging mas organisado ang sistema na magbibigay ng mas mahusay na akses sa impormasyon at serbisyong online

Ilulunsad ito sa opisyal na web domain ng Unibersidad at inaasahang magagamit na  sa lalong madaling panahon bilang tugon sa pangangailangan ng makabagong digital na serbisyo sa edukasyon. 

Tampok sa bagong portal ang iba’t ibang laman na makatutulong sa mga mag-aaral, guro, at empleyado na mapadali ang pagsusumite ng kahilingan, pag-aasikaso ng mga dokumentong akademiko at administratibo, at pag-akses ng iba pang serbisyong online. 

 Ayon kay G. Joel Filamor, punong tagapamahala ng Information Technology and Communications (ICT), ang paglipat mula sa static website patungo sa dinamikong plataporma ay nagdudulot ng makabuluhang inobasyon na kapaki-pakinabang para sa mga Bedista, kabilang na ang archiving, communications, at e-commerce

Hindi tulad ng makalumang statik na websayt na bihirang magbago ang nilalaman at umaasa pa sa serbisyo ng ibang partido, ang makabagong websayt ay umaangkop sa iba’t ibang uri ng teknolohiya na nagbibigay-daan sa mas progresibong pagbabago batay sa user interactions

Bukod sa pinahusay at pinabilis na sistema ng bayaran, maaari ding gamitin ang platapormang ito bilang gabay para sa mga estudyante o guro upang direktang humiling ng mga kagamitan mula sa Instructional Media Center (IMC), tulad ng microphone at speaker, nang hindi na kinakailangang pumunta pa ng personal sa kanilang mga opisina. 

Binanggit ni Filamor na isa sa mga tampok na kanilang pagtutuunan ng pansin ay ang komunikasyon na kung saan maaaring makapagdala ng mga mensahe ang mga Bedista nang direkta sa mga kaukulang opisina, nang hindi na kinakailangan pang pumunta sa mga ito, para sa mga serbisyong kinakailangan. 

Binigyang-diin niya rin na ang inisyatibong ito ay bahagi sa tinatawag nilang “long-term development plan” na naglalayong gawing isang “pandaigdigang Unibersidad” ang institusyon. 

The upgrade of the website is part of a series of strategic options which will bring us to the time when San Beda will be fully digitized,” saad ni Filamor. 

Muling binanggit Filamor ang pagiging progresibo ng SBU patungo sa digitized University, “constantly evolving, parang yung sa mga apps natin, update nang update,” para matugunan ang mga lumalawak na pangangailangan ng Bedan community

Ang proyekto ay binuo sa pakikipagtulungan ng kanilang katuwang na ePLDT Enterprise, na kanila na ring nakasama sa mga nakaraang proyekto kaugnay sa digital na aspekto. 

(with Benedict Asher Ugaddan) 

RELATED


Discover more from The Bedan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading